nogitsune
kurtsteen
Reblogged from ejaculaat, Posted by terramakesart.

(Source: terramakesart)

pityfriend:

*jokes about making out with you until it actually happens*

Reblogged from fyesdylanobrien, Posted by fyesdylanobrien.

Dylan O’Brien and Tyler Posey attend Entertainment Weekly’s Annual Comic-Con Celebration at Float at Hard Rock Hotel San Diego on July 26, 2014

Dylan O’Brien and Tyler Posey attend Entertainment Weekly’s Annual Comic-Con Celebration at Float at Hard Rock Hotel San Diego on July 26, 2014

Reblogged from senyahearts, Posted by senyahearts.
senyahearts:

Kendall Jenner - Kick’n It For Charity: Celebrity Kickball Game, (19/07/2014)

senyahearts:

Kendall Jenner - Kick’n It For Charity: Celebrity Kickball Game, (19/07/2014)

ughjxnna:

OH MY GOD THIS CARD

fur-hildegard:

very very very below average

(Source: closedeyesmile)

zellah4:

OMFG

(Source: sizvideos)

drama sa buhay

Ang pangalan ko ay Kurtsteen Apols Infante Diaz, July 2, 1996 ako ipinanganak sa San Rafael Rodriguez Rizal. Ang mga magulang ko ang pinaka mahusay dahil sa pagbibigay ng buhay sa akin sa mundong  ito at ang kanilang mga pangalan ay Jessica Diaz At Antonio Diaz. Meron din akong dalawang lalaking kapatid, Sina Jimdrix Diaz; siya ay 20 years old at si Ashton Diaz; siya ay 2 years old. Ako naman si Apols Diaz, Apols ang tawag nila sa akin, dahil napaka hirap nga naman sabihin ng Kurtsteen. Kurt-steen, ganyan sabihin ang aking pangalan, hindi kursten, kristeen o kursteen. Kakalipas lamang ng aking 18th kaarawan at parang hindi ko ito naramdaman.

Noong bata pa ako, sobrang excited ko na maging 18 kasi diba andaming regalo, mga mensahe ng mga kaibigan mo sayo at mga taong laging andiyan para sa iyo ay mapapasaya ka sa araw ng kaarawan mo, pero sa kasamaang palad ay hindi ganoon ang nangyari. Tinanong ako ng nanay ko kung ano daw ba ang gusto ko para sa aking kaarawan, sabi ko na lang ay gusto ko pumunta sa Singapore o kung saan mang bansa. Nahihirapan kasi akong mag desisyon, alam ko naman kasi na di naman ganoon ka-solid yung mga kaibigan ko nung high school para bigyan nila ko ng mensahe sa kaarawan ko, alam ko naman na di nila talaga gustong sabihin sakin yung mga sasabihin nila, na kunwari “naging masaya ko naging kaibigan kita” o kaya naman “mag aaral ka ng mabuti” at kung ano ano pa, mas nakakalungkot lang kapag nangyari yun. Isa pang dahilan ay gusto ko na kalimutan yung mga nagyari nung high school, eh totoo naman kasi na hindi ako naging masaya, wala lang parang lumipas lang yun.

 Noong araw naman na pumunta ako ng Singapore para ipagdiwang ang kaarawan ko ay sa totoo lang hindi ako ganoon sumaya, kasama ko yung pinsan ko at hindi siya nakaka enjoy kasama dahil hindi kami ganoon ka-close. Para kasing ayaw niya lahat ng gagawin namin, parang nababagot siya, kaya nakakawalan talaga ng gana. Pero siyempre kailangan ko pasayahin yung sarili ko at sayang naman yun binayad ng tito at mga tita ko sa mga ticket at bigay nila sakin na perang pamabaon.  Isang araw bago mag kaarawan ko ay niyaya ko ang mga kaibigan ko nung high school sa sinehan, bigla nila kong tinanong “wow nanglilibre, anong meron?” sabi ng damdamin ko “WOW HANEP KAIBIGAN ko ba talaga yan” kaya ayun, sabi na eh wala naman talaga silang pakialam, hindi sila yung taong kailangan ko, sobrang nalungkot talaga ako nung araw na yun dahil di nila alam na kaarawan ko at nasayang lang yun pera ko sa kanila, hindi sila karapatdapat ilibre. Kinabukasan ay kaarawan ko na, mabuti na lang ay alam ng mga kaibigan ko sa college na kaarawan ko, at napaka saya ko nun kasi andaming bumabati sakin kahit yung mga hindi ko kaibigan. Feeling ko artista ako eh, tapos sa Visual Design kinantahan nila ako kahit bago lang ako sa section na yun at wala pang kakilala, sobrang saya ko lang. Nilibre ko din yung mga friends ko sa college na karapatdapat ilibre kasi noon ko lang na realize na sila talaga yun andiyan para sakin, si Nina, Kezhia at Jana. Naging classmate ko din sila nung high school pero hindi sila yung barkada ko, pero kahit na ngayon college ko lang sila naging close ay sa pakiramdam ko ay mas malalim pa yung pagkakaibigan namin. Pagka- uwi ko ng bahay ay iniintay kong may mag bati sakin, syempre kaarawan ko eh. Yung lolo ko lang bumati saken sa bahay, napakasakit. Yun nanay ko, mas pinili pa na batiin ako sa facebook para malaman ng lahat na ang sweet niya sa kung ano anong mensahe pinaglalagay niya doon at para lang i-like ng mga tao. Ang gusto ko lang sabihin niya sa personal na “happy birthday”, ganon lang ka simple, di mo na kailangan i-facebook.  Napansin ko din, pag ibang tao may kaarawan ay binibilhan niya pa ng regalo, pero nung 18th kaarawan ko wala talaga, akala niya kasi sumaya ko sa Singapore na yan. Hindi naman kasi dahilan yun wala kang pera para hindi mo regaluhan yung anak mo, dahil nga yun iba diba nireregaluhan mo kahit wala kang pera, sabi ng damdamin ko  “WOW HANEP NANAY ko ba talaga to?” Hinintay ko din na batiin ako nung mga kaibigan ko nung highschool pero hindi nila ako binati, maski facebook o text, wala din, wow parang walang nangyari kahapon na inilibre ko kayo sa sinehan ah. Sobrang busy niyo ba? Hindi naman ako ganyan sa inyo. Kaya ayaw ko sumasapit ang aking kaarawan, imbis na maging masaya ka, ay na sawi ka lang. Sobrang nakakainis, kaya nalulungkot ako.

Sobrang nadala ko ng kalungkutan nung kaarawan ko, kaya naman sasabihin ko na lang ang mga interes ko sa buhay. Hilig ko talaga manood ng palabas sa ibang bansa, sa sobrang hilig ko minsan ay hindi na ako sumasama sa mga gala naming magkakaibigan para lang manood. Kaya siguro wala ako masyadong kaibigan, pero ayos lang sakin kasi napapasaya ko naman sarili ko at kaya kong mabuhay mag isa. Ang mga pinapanood ko ay “F.R.I.E.N.D.S”, “How I met your Mother”, “American Horror Story”, “Teenwolf”, “Game of Thrones”, “Orange is the new Black”, “Awkward”, “The Vampire Diaries”, “Pretty Little Liars”  at Diyos ko po napakarami pa nito di ko na kayang isa isahin. Mahilig din ako magbasa ng mga libro, lalo na yung mga sinulat ni John Green, David Levithan, Bob Ong at Lualhati Bautista. Mahilig ako mag drawing, mahal na mahal ko ang art, kahit na hindi ako ganoon kahusay pero naniniwala parin ako sa sarili ko na kayak o to. Kaya naman ako nag aaral ng kurso na Bachelor of Applied Arts major in Visual design sa Miriam College. Ang una kong kurso ay International Studies pero pagkatapos ng isang sem ay lumipat na ako agad dahil napilitan lang ako dito. Kahit na nahihirapan akong humanap ng mga bagong kaibigan dito sa aking bagong kurso ay hindi padin ako nawawalan ng pag asa, at sanay na rin naman akong palaging mag isa, kaya lang ay medyo nalulungkot talaga ako pag nakiikta ko yung ibang tao na may barkada tapos ako wala. Mabuti na lang ay minsan nakaksama ko si Cris at ang mga iba niyang blockmates, si Nina, minsan din nakakausap ko sina Jana at ang mga blockmates niya din at pati si kezhia at mga blockmates niya. Ako, isang irregular student, walang blockmates, at ang hirap talaga makisama sa mga tiga visual design na magkakaibigan na sila sa simula pa lang. Kaya ito, di parin naman ako sumusuko at sana may makilala na akong bagong kaibigan na makakasundo ko, kahit isa lang. Mahirap kasi talaga na wala kang kasabay kumain, maglakadlakad, tumambay at wala pang kausap. Pakiramdam mo na hindi ka tao o kaya naman ay nakikita ka nila pero ni isang beses wala silang interes na pansinin ka. 

(Source: murderericons)